Profile – Filipino

Frazer ng Talambuhay

Ang Scotland ay kilala bilang isa sa pinakamagaling na pagawaan ng whisky at ang mga tungkol sa kababalaghang nilalang. Si Frazer Kennedy – isa sa pinakamagaling na mang-aawit at compositor galing din ng Scotland. Ang kabataan niya sa kabundukan, karanasan niya kasama ang mga awitin ng kaniyang mahal na ina at ang himig ng ceilidh, ito ang mga munting kagilasan na nagging inspirasyon sa paggawa ng kanyang musika sa lupang palabundukin, sa mga ulap at bulubundukin at mga kastilyong luma na ngpapahiwatig sa mga sinaunang digmaan.

Moody atmosphere of the ancient Eilean Donan Castle and the Fairburn Tower in the western highlands is reflected in Frazer Kennedy’s song ‘Damn you All’ from the album ‘Yesterday’s gone’.

  Play track – ‘Damn You All’

MM FRONT COVER

‘Nagsimula syang tumutugtog ng tenor sax sa isang swing na banda, si Frazer ay nagsusulat at kumakanta sa loob ng dalawamput limang taon na ang nakalipas. Nang pumunta siya ng London, tumugtugtog siya ng sax sa isang reggae na banda, naging pamunong bokalista ng isang rakistang banda at hinasa ang kanyang talento sa pagkakanta sa Underground. Ngunit sa kanyang 6-string acoustic na gitara nahanap niya ang tunay na pagmamahal sa kanyang musika. Nang sinubukan niyang magbabakasakali sa ibang bansa sa unang pagkakataon, napuntahan niya ang bansang Israel, strumming sa dalampasigan ng Dead Sea at pinasigla ang madilim na kalye ng Tel Aviv.

Sa ibang bahagi ng Atlantika, si Frazer ay naglakbay kasama ang kanyang 6-string acoustic na gitara sa kabundukan ng Canada, ang tanawin nito ay nagpapa-alala ng maraming paraan sa kanyang bansang kinalakihan- maliban nalang sa mababagsik na mga oso! Ang taglamig ay napakaginaw- pero si Frazer ay nakahanap ng mainit na pagkakaibigan sa gitna ng kanyang paglalakbay, tumutugtog siya sa mga bars at sa hindi inaasahan naimbitahan magperform sa mga lugar tulad ng Alberta’s Capitol Raceway at ang Edmonton Folk Festival.

Pagbalik niya sa London, tinatag ni Frazer ang kanyang sariling banda at nahanap niya ang mga mapagmahalagang tagapagpakinig sa mga malalaki at tanyag mga lungsod tulad ng The Mean Fiddler, The Borderline, Pizza on the Park. Siya rin ay naimbitihan na tumugtog sa isang matatag na rock festival tulad ng Weyfest, Guilfest at Americana International – dumami ang kanyang matapat na mga tagahanga at unti-unting lumikha ng pangalan sa sining ng musika- at sa kabuuan, isang karangalan ang maimbitahan na tumugtog sa BBC’s Children In Need.

Umabot ng labindalawang buwan ang paggawa ng Yesterday’s Gone, ito ang pinakahihintay na debut album ni Frazer, ito’y umani ng pagtanggap ng kanyang matapat na mga tagahanga at dinoble ang kanilang sipag para ipaalam at ipalaganap ang tungkol sa natatanging Scottish na talento. Ang tinutukoy na album ay halo ng magagaling na pagkasulat na mga awitin at pinag-inam na mga melodya. Ang unang awit, pinili rin na maging pamunong kanta, ay gumugol ng pitong linggo sa UK’s Unsigned Top 40 – kabilang na ang pagiging #1 ng ilang linggo. Sa kasalukoyan, tinatatapos nya ang kanyang ikalawang Album na pinamamagatang High Time.

 Music Maker – Frazer Kennedy & Friends